Episode 1: Addition
Nagugutom sina Migi at Tomas pagkatapos nila maglaro. Pumunta sila sa Sari-Sari Store ni Ate Naya para bumili ng pandesal at juice, pero hindi nila alam kung sapat ang pera nila. Humingi sila ng tulong sa kanilang kaibigan na si Tala. Paano kaya nila sasagutin ang problemang ito?
Share:
Episode 2: Subtraction
Nagdala si Ate Naya ng saging para kay Migi at mansanas para kay Tomas. Napagusapan nila Miggy at Tomas na gusto nila mag palitan ng ilan sa kanilang mga prutas, ngunit hindi nila alam kung gaano karami ang matitirang saging o mansanas sa kanila matapos nila magbigayan. Sa kabutihang palad, nandiyan si Tala para tumulong! Paano nila lulutasin ang problemang ito?
Share:
Episode 3: Multiplication
Si Migi at Tomas ay may Halloween party! Pumunta sila sa tindahan ni Ate Naya para bumili ng kendi, ngunit sa dami ng dapat nilang bilhin, hindi nila alam paano bilangin ang lahat ng kendi. Paano nila sagutin ang problemang ito? Sa tulong ni Tala, gagawa sila ng paraan!
Share:
Episode 4: Division
May sakit si Ate Naya at kailangang niya ayusin ang kanyang paninda. Gusto ni Migi at Tomas na tulungan si Ate Naya na ihiwalay ang kanyang mga paninda nang pantay-pantay sa mga basket, ngunit hindi nila alam kung paano hatiin ang mga ito ng pantay-pantay. Paano nila sagutin ang problemang ito? Nandito si Tala para tumulong!
