AMING KWENTO
Ang MATHTALA ay itinatag mula sa isang pananaliksik tungkol sa pagganap ng mga mag-aaral sa Matematika dito sa Pilipinas. Maraming estudyante ang nahihirapan sa pag-unawa ng mga konseptong matematikal dahil sa mga limitasyon sa loob ng paaralan at mga problema sa kurikulum.
Gusto ng MATHTALA na ipakilala ang mga teknik ng Singaporean Math sa sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas upang maiwasan ang agwat sa pagitan ng konseptuwal na pag-unawa at aplikasyon nito sa tunay na buhay.
VISION
Maging gabay na parang tala sa bawat batang Pilipino at kanilang magulang upang gawing mas maliwanag, mas masaya, at mas makahulugan ang pag-aaral ng matematika.
MISSION
- Gamitin ang makabagong Bar Model Method upang gawing mas malinaw at madaling maintindihan ang konsepto ng matematika.
- Magbigay ng mga kwento, aralin, at kasangkapan na makatutulong sa mga bata at magulang na sabay matuto at mag-enjoy.
- Linangin ang pagkamalikhain at tiwala sa sarili ng mga bata sa pagharap sa mga suliranin sa matematika.
- Itaguyod na ang matematika ay hindi lamang para sa numero, kundi para sa kwento ng bawat bata na natututo at lumalago.
Aming Grupo
XANDY LINGHAG
Graphic Artist
Julia Marquez
Project Manager
Lara Herera
Graphic Artist
Agnes Medenilla II
Web Designer
